♥ Artes y Fotografia ♥

www.flickr.com

Thursday, November 22, 2012

Sip♥L

Bigo ako noon
Naghahanap, nagtatanong
Dumating ka, di ko hangad
Sumilay ang ngiti
Sa pusong pighati
 
Kwento mong pag-ibig'y
Kay halina't napupuno
Pagmamahal mo sa kaniya
Naimutawi kong "Kay Swerte"
Niya...Siya...
 
Sumipol ang pusong
Sana AKO na lang ang "SIYA"
Na pinaglaan mo ng
Oras, effort,
Panahon na mahalin
 
Pinalipas ko ang mga araw
Ramdam kong nahuhulog
Muli ang pusong sabik
Bigo ngunit umaasa
Isang araw, Isang gaya mo
 
Paglalaanan ang isang ako
Nang pagmamahal mong nilaan
Sa kanya na nilisan ang ikaw
Iniwanan kang nasasaktan
Minarkahan pusong sugatan
 
Heto't ako'y pilit lumilimot
Ika'y nabigo't hinihilom
Pusong nasaktang lubos
Sadyang pagkakataon
O lubhang tadhana?
 
Di ko mawari, di maimutawi
Sayang dulot pag kasama
Ikaw na sa isang sulok
Puso ko'y sinipol
Ngalan mo
 
Ngayo'y napapalapit
Tatakbo ba o mananatili
Natatakot ako nangangamba
Sipol ay maglalaho rin ba?
Magpaparam, malilimutan
 
Gaya ng ibang dumaan
Bigay ay pantas ng pag-ibig
Puso'y minsan pang hihiling
Ika'y di pansamantalang
Dadatal sa halip'y
Pang habang buhay
 
♥ Thinking of U ♥




Belskhie
22/11/2012
7:45PM
 
 
 
 
 
 


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

♥Musixxx♥