♥ Artes y Fotografia ♥

www.flickr.com

Thursday, November 22, 2012

♥ Luha ♥

nalipas ang mga araw
sadyang kumikinang
lumbay dili makita
ngiti't dalisay tanaw
datapwat hagod sa trabaho
liwaliw ay alintana
alaala ng mga mahal
sadyang kasiyahan datal
napaupo napangko
gilid ng kwarto'y panglaw
kalagitnaana'y batid ko
rumaragasang luhang apaw
di ko maimutawi
sadyang puso'y tikom
di ko matagni
sadyang niloloob'y sagrado
tanungin ma'y sa kawalan
hantong sa isipang uhaw
kasagutang kinaitan
liwanag ay sisidlan
luhang batid ng pait
luhang hatid ay galak
alinma'y tatak ng puso
kahapon't ngayo'y iisa
lalakbayin tarik ng buhol
paralumang paraiso
sa tuwina'y pananabik
hatid sa kailanman
 

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

♥Musixxx♥