Andaming gustong mamutawing mga salita't emosyon
Ramdam ng puso ko ang bawat katagang papaimbabaw
Ngunit sadyang mapagbiro, sakit ng ulo'y naguumapaw
Datapwat bigyang medisina't maimpisan ang panglaw
Sadyang marubdob di alintana kung san nagsisimula
Sakit na ilang linggo ng tinitikis yakapin't alu-aluin
Taimtin na panalangin'y sumahimpapawid sa labi
Sa kalooba'y hatid kapayapan taglay ng pagsampalataya
Dinggin yaring pabulong na dasal
Di lamang pisikal na kasakitan
Mahigit ay pusong napipiit sa kapighatian
Hilumin mong mga sugat' bigyang kasagutan
Puso't isipang tigagal sa mga huwestiyon
Asaan ang presensya ng ako'y kublihin
Pangungulilang dumatal sa pusong nasasabik?
Belskhie
26/11/2012
1:15am
Sa aking ala-ala
Balot ng saya't tawa
Araw na ito'y pinakamasaya
Anim na taong lumipas
Ngayo'y nagbalik tanaw
Biglang sumilay
Kunyapi't hapit
Madugong mga araw
Pinagsakluban ng langit
Ang tanaw ng pangarap
Ang kulay asul'y naging pula
Ang puti'y nabahiran ng itim
Panaho'y nagdaan
Nasaring ng pusong aba
Kapalarang di naalintana
Kay daming nagbago
Sinabihan noo'y lahat maaayos
Sa tabi'y nariyan aagapay
Sa likod'y magkukubli't magsasalo
Sa oras ng pangangailan'y nariyan
Ngayo'y nagiisa
Asan kayo ng ako'y aluin
Kalungkutan halos kitilin
Karamdama'y halos patayin
Mga mata'y nangitim
Walang patid luhang bigkis
Sa pagparam ng ina'y nahapis
Sa pagparam ninyo's nahagip
Sa buhay ng tao'y
Salita'y kaydaling bigkasin
Tuparin ay kay hirap akuin
Sadyang buhay ganyan nariyan
No comments:
Post a Comment