♥ Artes y Fotografia ♥

www.flickr.com

Sunday, July 10, 2011

Laman nito ♥

Plano ng plano
Wala rin pala
Nakakalungkot
Nakakadismaya;
Pinuno ko ng galak
Sariling sabik sa bakasyon
Hinangad'y makita't madama
Ganda ni Inang Kalikasan;
Ngunit SINO ako?
Upang suwagin ang plano
Nang nag-iisa kong gabay
-- si HESU KRISTO;
Sutil ako't naisipan'y
Planong side-trip pa
Bumiyahe sa 'san mang trip
Upang lasapin ang sinasabing 'saya';
'Yon ang aking hangad
Sa kalooba'y ninamnam
Alinsabay sa'king pagpapagamot
Ilang buwan hinintay't
Inasam ang masiglang bukas
Inuusal ang ganda't dalisay
Ngunit mapag-biro ang tadhana
Iba ang dumatal
Sa apat na sulok'y nasadlak
Suwero't kung anu-anong gamot
S'yang tumarak sa'kin -- nanlalambot
Katawan'y sumuray lamang
Sa kamang hindi ninais
At sa kailanma'y ipagtatangis;
Walang magawa't nahapis
Tuluyang ako'y nauwi
Sa karamdamang inakala ko'y
Simpleng gamutan
Tuwiran rin giginhawa
Subalit pilit nagkukubli ang sakit
Pilit labanan'y nagsusumiksik
Ang kinasapitang pait;
Ngayo'y nalugmok sa aba
At naghimutok ang pandama
Bumulong ang pusong napapagal
Sa katahimika'y pumailanlang
Ang taimtim kong dasal...




Hesus ginawa mo ang lahat ng may buong pagmamahal;
Tulungan mo akong tuwiran kong maunawaan ang kahulugan
ng Banal na Espiritu sa Aking Buhay
Nang sa gayon'y magawa ko ang iyong mga ninanais
na naayon at nararapat sa kagustuhan ng Ama.



No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

♥Musixxx♥