Hindi ako makatulog
Natapos ko nang asignatura
Mata'y dilat pa rin
Sisinghot-singhot na ay
Di pa rin maapuhap
Ang paghimlay niring
Diwang pumipitlag
Sa kaibayuhang paroon
Isipan'y di manahan
Ala-ala'y kagyat ikaw;
Eto't aking blog na
Makabagong pluma't papel
Natapos maiayos'y
Nanaisin nang humiga
Ipahinga katawang lupaypay
Diwa'y makisama Oy!
Hihimbing na sa tuwina

No comments:
Post a Comment