♥ Artes y Fotografia ♥

www.flickr.com

Saturday, March 31, 2012

♥ Crash ♥

"pag minalas ka nga naman minsan nagtutuloy-tuloy..."

ganyan ang nangyari sa akin ngayon araw na to. Noon umaga muntikan ako mabangga dahil sa kaskasero at walang pasintabing mag-drive na puti na yan; pasalamat ako't nakapagmenor ako at mabagal ang takbo ko. I hate round-abouts :-))

Nitong hapon naman, pauwi na ako galing trabaho. Banayad ang takbo ko, relax, chill lang. Hindi nagmamadali. Sakto lang. Ansarap pa ng feeling ko at excited pa ako sa pagpunta ko sa fyshwick para kuhanin ang hard drive ko. Gusto ko nang makauwi nun para magkita kami ni ama at sya mag-ddrive punta fyshwick, sabi ko pa, bonding kami mag-ama dahil day off sya nun. Nga naman, kapag sinuwerte ka, me biglang lumipad na lamang na dilaw na kayak sa harapan ko galing sa kotse sa kabilang lane ng kalsada. Ang takot ko at baka sumalpok sa windshield ko, pihado ko sapul na sapul ako. Abot-abot ang dasal ko na wag naman sa windshield. Nag-menor ako pagkakita ko at kinalkula ko ang distansya ko sa kayak na lumilipad sa ere papunta sa akin. Salamat sa Maykapal, pagsalpok sa sasakyan ko ay sa bumper tumama at bumalikwas sa may kaliwang banda papunta sa may damuhan. Full stopped ako! at sabay kabig sa tabi ng kalye at pumarada ako. Talsik sa harapan ko ang takip ng steering wheel at ang camera bag ko talsik rin sa may harapan. THANK GOD hindi ko dala ang D7000 ko. Mabait pa rin sa akin si God, hindi ako nasaktan. Pero ang nerbyos ko, hanggang ngayon, ramdam pa ng kalamnan ko. Pagka-baba ko ng sasakyan nakita ko ang tagas ng langis, dali-dali kong tinanggal ang susi sa may susian ng sasakyan. Kapa ko ang fone ko at tinawagan ko agad ang tatay ko. Sambit ko,"Papa, na-aksidente ako. Puntahan mo ako sa epic."

Shocked!

Shaky!

Nangangatog ang mga tuhod ko. Palingon-lingon ako at nagbabaka-sakaling bumalik yun sasakyan na nagmamay-ari nun kayak. pero WALA! WALANG bumalik. :(( mangiyak-ngiyak ako. Pero tinibayan ko ang loob ko. Nagdasal ako. Panatag akong naghintay sa pagdating sa aking tatay. Nangingilid na ang mga luha dahil antagal ko ng naghihintay. Siguro ay may 15-20 minuto akong naghintay bago dumating si ama.  May isang me edad na lalaki ang pumarada sa akin. at nagtanong kung ayos lamang ba ako.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

♥Musixxx♥