Dumadaan ang araw
Laging kasama'y ikaw
Walang patid ang text
Walang sawang lambingan
Sa lahat ng oras'y
Ikaw ang naiisip
Mula pagtulog
hanggang paggising
Ang puso'y nananahan
Sa iyo aking pintakasi
Nanlalata itong sarili
Pag ika'y kasama dili
Tuwina'y nananabik
Itong puso kong umiibig
Sa iyong pagdating
At sa yakap na kay tamis
Kung bakit sa iyo pa
Umikot ang mundo
Sagot'y di maapuhap
Ikaw lamang tinitibok
Nitong pusong
Lubhang masaya
Sa piling mong
Aking pinapangarap
Ano man pagdaanan
Laging ika'y nariyan
Tabi ko'y hindi iniwanan
Pinadama tanging pagmamahalan
Wala nang mahihiling pa
Sa bawat sandali ay
Makasama aking sinta
Habang ako'y nabubuhay
Tama o mali man
Ang isang tulad nito
Iniaalay kong taos puso
Kadalisayan ng pag-ibig ko
No comments:
Post a Comment