Sa pinakaminamahal kong lola,
Noong maliit pa ako'y karay-karay mo ko
San man magtungo, Anong oras man gusto
Sa tabi mo'y ako'y nahihilig
Sa piling mo'y ako'y nasasabik
Mula't sapul ay kinalakihan ko na
Ang presensyang nagdudulot saya
Sa buhay ko'y ikaw ang ilaw
Hatid mo'y tibay at lakas
Ilan man taon ang lumipas
Sa puso ko'y nananahan
Pag-aaruga't pagmamahal
Walang katumbas, 'lang humpay
Kakanlungin sa t'wina
Mga oras tayo'y magkasama
Mula pagtulog 'gang umaga
Sa hapag 'gang bakuran
Mula nang ako'y sumibol
'Gang sa aking pagsilang
Heto't nagkaka-edad
Yakap ko'y ikaw
Ikaw na tinatanging lola
Ikaw na pinakamamahal na ina
Ikaw na lubos kong hinahangaan
Sa buhay ko'y laging ikaw
Hanggang sa huli
At sa muli't muli ay
IKAW ang da best lola ko
Sa hirap hinagpis kalungkutan
Sa saya't kaalwanan ng buhay
Sa mga luhang dumaloy
Sa mga ngiti't tawa umalo'y
Sa aking buong pagkatao'y
Ikaw ang nag-iisang lola ko
Hanggang sa muli nating
Yakap at pagkikita
Sa'yong tabi'y hihimlay...
Maligayang kaarawan Lola Dora...
Mahal na mahal na mahal na mahal kita... ♥
No comments:
Post a Comment